6.09.2005

While I was Sleeping (#1)


Heto yung panaginip ko nung isang gabi:

Naglalaro daw ako ng basketball kasama mga kaklase ko nung college. Half-court tapos 4-on-4. Bola ng team namin. Masyadong malakas yung pasa ni Mel so hindi ko nasalo. Tinakbo ni Tatang yung bola sa kabilang court tapos pinasa sakin. This time eh nakuha ko yung bola.

So na sakin na yung bola. Nakita ko si Javier (kaklase ko naman nung highschool) na nag-cut papasok sa loob. Libre!!! So nag-blind pass ako sa kanya and he got it.

All alone so dere-deretso sya sa ring. Nag-layup....pumasok! Kaso.....



nung pababa na sya, nadapa.....BLAG! Yari bumagsak eh wala namang katabi.

Nung nakita ko yun, napasigaw na lang ako ng "FOUL!!!!" Patawa eh. Hehehe.

Narinig ko na lang yung sarili kong sumigaw nun. Tapos gising na pala ako. Nung narinig ni Mrs. na sumigaw ako eh napatingin sya sakin. Ayun nakapikit pa pala daw ako tapos nakangiti pa. Nananaginip na naman daw ako.

Namimiss ko lang siguro yung basketball ng mga kaklase ko sa Manila kaya ko napaginipan yun. Pwede rin siguro nagtatampo na yung Nike na pambasketbol ko. Medyo matagal ko na kase di nagagamit.



Di bale, bukas eh indoor-football (futsal) naman eh. Hehehe.


No comments: