6.24.2005
A Classic: Balikbayan Box Joke
Bigla ko na lang naalala yung isang forwarded-email na natanggap ko some years back. Tawang-tawa talaga ako nun nung nabasa ko. An extreme story of the OFW "pasalubong-culture" seen at a hilarious angle. I was scouring the internet half an hour for that joke and I finally found it thanks to google.com. Here it is:
"Mahal kong mga kapatid, hayan na si Inay!!
Pasencia na kayo at hindi ko nasamahan ang Inay sa pag-uwi diyan sa Pilipinas sa dahilan na napaka-mahal ng pamasahe. Ang gastos ko na nga lang sa kanya ay kulang-kulang sa sampung libo (kabaong at shipment). Ayoko ng isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, pinadala ko kasama ni Inay ang:
--Dalawampu't apat na karne norte na nasa likod ni Inay. Maghati-hati na kayo.
--Anim na bagong labas na Reebok sneakers...isa suot-suot ni Inay...ang lima nasa ulunan ni Inay...isa-isa na kayo riyan.
--Iba't bang klaseng tsokolate, nasa puwit ni Inay...maghati-hati na kayong lahat...
--Anim na Ralph Lauren na t-shirts suot-suot ni Inay...para sa iyo, Kuya, at isa-isa ang mga pamangkin ko.
--Isang dosenang Wonderbra na gustong-gusto ninyo, mga kapatid ko, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na kayo riyan.
--Dalawang dosenang Victoria's Secret na panties na inaasam-asam ninyo, suot-suot din ni Inay. Maghati-hati na rin kayo, Ate....
--Walong Dockers na pantalon suot-suot din ni Nanay... Kuya, Diko, isa-isa na kayo, at mga pamangkin ko.
--Ang Rolex na hinahabilin mo, Kuya, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.
--Ang hikaw, singsing, at kuwintas na gustong-gusto mo, Ate, eh suot-suot din ni Inay. Kunin mo na.
--Mga Chanel na medyas, suot-suot din ni Inay. Tig-i-tig-isa na kayo at mga pamangkin ko.
Bahala na kayo kay Inay. Pamimisahan ko na lang siya dito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.
Nagmamahal na kapatid,
Nene
P.S. Pakibihisan na lang si Inay...."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment