Tapsilog. Tapa-King, Tapa Express, Rufu's....haaaay ang sarrrap.
Starbucks Iced White Coffee. Wala sa Starbucks-Malaysia ang kapeng ito. Paborito ko sa pinas mula nung nirecommend sakin ni utol.
Mom's Pinakbet. Naaaapakapakasarrap lalo na pag ang gamit na gulay eh fresh from Candon, Ilocos Sur.
Burger Machine Sansrival. Mga dalawang subo ko lang eh ubos na 'to kaya madalas dalawa ang order ko.
Lechon Manok. Nalunod sa sariling mantika na pwede pang-sabaw sa kanin. Sawsaw mo pa sa esfesyal sarsa.
Crispy Beef with Garlic. Isa sa mga standard ulam pag nasa Gerry's. Di pupwedeng wala nito.
Sisig. Be it Gerry's or Dencio's.....haaay....konti lang ang hot sauce ah!
Binatog. Narinig ko minsan nung nakinig kami ni misis ng RX-Morning Rush. Brings back memories ng bahay namen sa Pio Del Pilar.
JT's Manukan Bacolod Chicken. Al fresco dinner with ulam-ish garlic rice nag nagmamantika. Ayayayay. Extra rice pleeease!
Silvanas. Yung nasa Glorietta4, bago ka umakyat ng escalator papuntang sinehan. Ang sarap nung bilog na parang sansrival na ewan ko ba ano tawag dun. Hay nako basta masarap!
Mommy-Q's BBQ Chicken. Pagkatapos kong natikman eh muntik na ako mapasigaw ng, "Aristocrat what?? what?!?!" Walang sinabi ang bbq chicken nila sa luto ni Mommy-Q.
Wendy's Iced Tea. Yup walang Wendy's dito. Peborit ko mula pa nung mga puyatan namin nung college. Tambayan eh Wendy's Boni Ave with fries and iced tea lang eh ayos na ang kwentuhan at kopyahan ng assignment. Hehe.
Classic Pancakes ng Pancake House. Favorite of the missus specifically yung mga branches with the "Pancake X-factor" daw. Ewan ko kung ano yun pero dahil dun, napurnada yung tapsilog ko nung umuwi kami last Christmas eh.
Ika nga sa kumpisal: "And all the other foods I can't remember.....that's all pader."
Di bale, pag uwi ko ng Agosto, iisa-isahin ko lahat yan. Miss, extra rice nga! Hehe.
No comments:
Post a Comment